Isa lang akong simpleng dukha
Napa-ibig sa isang kakaibang prinsesa
Siya ay hinahangaan ng buong madla
Ngunit ito ako,inaasam na ika’y maging akin sinta
Sabi ko "ikaw ay aking iibigin
Walang bahid ng taksil, tiyak na gagawin"
Pero sabi mo,”ikaw lamang ay isang dukha, lagi mong alalahanin
Hindi ako karapat dapat na iyong mahalin”
Bawat taon, ako’y nanonoyo sa iyo
Kahit anong gawin ko’y walang umoosbong progresso
tatlong taon ang lumipas ito ako nagluluksa
“Titigil na ako sayo sinta” batid kong mga salita
Di makakain, umiiyak, nanghihina kada linggo
Sa paglalakbay ko sa mundo nakilala ko ang isang magandang reyna
Ni isang bigkas wala akong narinig mula sakanya
Tinulungan nya ako, binago ang aking paniniwala
Kinalaunan kami’y nahulog sa isa't isa
Hindi makapaniwala sa ganitong himala
Biglang nagmahalan at umusbong ang sigla
“Mahal kita” batid ko sakanya
“Mahal din kita” sabi ng aking reyna
Nalaman mo ito ika’y nagluksa sa tabi
Tahimik na dinamdam, tahimik na humikbi
Kinalaunan ako’y iyong hinanap at kinausap sa huli
Ngunit tapos na ang lahat at ako ay humindi
“Minahal kita, dukha” sabi ng prinsesa sakin
Tinignan ko siya at ako’y nagsalita ng mahinhin
“Minahal din kita prinsesa ngunit ito na ang wakas” batid ko sa aking habilin
Masakit man na ito ay galing sa akin ngunit ito lang ang paraan upang tigilan ang aking damdamin
-CrisSon
No comments:
Post a Comment