• Paghihintay



    Pag-ibig ko sayo'y walang hanggan
    Kahit dekada ang hintayin upang ika'y mahagkan
    hindi na muling magmamahal ng iba
    Para lang sa iyo aking sinisinta

    Sa aking paghihintay maraming makikilala
    Ngunit sa bawat araw, ikaw lamang ang inaalala
    Hinihintay na iyong sambitin na "mahal kita"
    Ngunit hanggang kailan ako aasa pa

    Hindi ko alam kung may patutunguhan ang lahat na ito
    Ang alam ko lang na ikaw ang mahal ko
    Lahat ay gagawin para sayo
    Wagas na pag-ibig ang alay ko

    Nais na ipaalam ang aking nararamdaman
    Nahulog sayo sinta ng walang alinlangan
    Sa ngiti at iyong mata ako'y nahulog na
    Tanging ikaw lang ang pumukaw ng atensyon na ni minsan hindi na tumingin sa iba

    -CrisSon

  • You might also like

    No comments:

    Post a Comment

Powered by Blogger.