• Mundo at araw



    Magkaiba ngunit iisa
    Ikaw lang ang mga ito wala ng iba
    Araw ko’y ikaw, bumibigay buhay sinta
    Mundo ko’y ikaw, sinasambit na mahal kita

    Sa bawat minutong lumilipas
    Hindi maisip na ika’y kukupas
    Nang pagdating ng gabi, biglang humupa
    Ang luha na matagal na palang tinahas

    Kung noon ang mundo ko’y buong buo
    Biglaang nasira’t naglaho
    Hindi na lubusang kinaya ng puso
    Ngunit sa huli, ikaw parin ang mahal ko

    Kung noon ang araw ay maliwanag
    Ngayo’y nandidilim at di makita’t matawag
    Bakit nga ba tumigil noong nandyan na ang hapag
    Wala ng magagawa kundi umiyak at kulubot sa lapag

    Ikaw parin ang Mundo’t araw ko
    Ni hindi pa lumilipas, kahit na gumuho
    Ikaw parin ang pipiliin sa kabila ng sugpo
    Ikaw at ikaw lang nag mahal ko

    -CrisSon

  • You might also like

    No comments:

    Post a Comment

Powered by Blogger.