• Sinimulan mo

    Wag na, wag na tayong magkita kahit kailan pa.. Tama na, tama na.. Tumigil na tayo, tigil na. Mga paulit ulit na nauulit sa isip o tuwing maaalala ko, Ang isang araw na ako'y pinagtulakan mo Tinaboy, Papalabas ng pintuan ng buhay mo Mga salitang ni minsan hindi mawawala sa isipan ko Isa sa pinakamasakit na salitang binitawan mo at narinig ko sa buong buhay ko Dahil kahit kailan di ko ginawang ipagtabuyan ka Kahit ako yung paulit ulit mong pinaparusahan, iniiwasan, pinagtutulakan, Na kulang na lang parang ibong mababa ang lipad at ibugaw mo ako sa iba Maalis mo lang sa landas mo, na una sa lahat ikaw naman mismo ang nagturo sa akin kung paano makarating patungo sayo. Bakit ka pa sumulat, pinilit nilagyan ng tinta makasulat ka lamang ng kwentong ninyong dalawa. Ngayon naubusan ka ng tinta, di mo alam paano tatapusin ang nasimulan Ano nang balak mo? Hindi alam panu tatapusin ang kwentong ito. Pilit ko kasing sinasara ang bumubukas kong palad noon, Wag ko lang masalo ang inaabot mong atensyon noong umpisa pa lang. Ngayon ay bibitaw ka na lang? Bibitaw ka? Oo, naramdaman ko naman ang kapit ng iyong kamay Ang higpit nga na parang ibong ayaw mong pakawalan. Pero pag ayaw mo na, bibitaw ka na lang na parang napaso ka at pag gusto namang balikan akala mo laruang hindi mo pinagsawaan. Hindi naman ako ang unang lumapit sayo, o ang humanap kung saang sulok ka pa sa mundong ito Hindi ako, saksi pa ang mundo, ang hanging umiihip sayo, mga bituing nagniningning sa gabi habang naglalakad tayo tuwing uuwi, saksi ang araw, hanggang takip silim at kinang ng buwan tuwing tayo'y may tagpuan at pati narin ang mga musikang naririnig patungkol sa ating dalawa, hindi ako, hindi ako ang sumulat ng lahat ng pahinang ito. Naalala ko ang unang araw na nagkakilala tayo, unang mensahe, unang pagbati mo. Unang pag aya mo, ang lahat ng yan na dapat hindi na sana magsisimula pa kung hindi dahil sinimulan mo Ngayon naisip ko, ikaw ang nagbigay ng dahilan sa lahat ng kung anong meron tayo. Ikaw ang may-akda ng kwento nating ito, hindi talaga ako. Tinatanong ko sa aking sarili, bakit ngayon pilit mong inaalis ako? Ano bang pagkakamali ko Na lahat na binigay ko sayo, ultimo lihim na meron ako pinaalam ko. Dahil nga buong akala ko, ako ang mundo mo o ang kalawakan mo Pero ang totoo isa lang pala ako sa mga konstelasyon nito. Pero okay lang, okay lang, magsisilbi parin naman ako na parang karagatang patuloy na babalot sayo, Nakayapos, andito, andito lang para sayo, Kahit madagdagan pa ang mga kontinente mo. Parang karagatang patuloy paring dadaloy sayo. Patuloy na lang siguro akong maglalayag mag isa. Kahit gaano kalakas ang hampas ng hangin at alon sa aking pag iisa, saan man tangayin kahit wala ka na, kakayanin ko, kakayanin ko Kakayanin ko dahil iniwanan mo naman akong walang pagpipilian. Dahil noong una pa lang naman bago pa ko maglayag sa malakas na alon ng karagatan, na parang walang patutunguhan, inahon mo lang naman ako sa kaila-ilaliman ng karagatan hindi ba? Hanggang natagpuan kita. Ngayon lulunurin mo lang din pala..

    -Haponesang Hilaw
  • You might also like

    No comments:

    Post a Comment

Powered by Blogger.