Paikot-ikot..
Paikot-ikot..
Di ka ba
nahihilo dahil pawang paikot-ikot lang tayo..
Di alam
saan tutungo, di ka ba sigurado?
Sa mga
nararamdaman mo na parang science experiment lang na tipong may I therefore
conclude ka pa,
pero di
mo padin alam kung yan ay conclusion ba talaga
O
sadyang ayaw mo lang umusad tayong dalawa.
Kaya pilit mong pinaiikot ikot na lang lahat ng problema para maiwasan ang mga bagay na
pwedeng humantong sa malalim na ugnayan.
Habang
siya ay puro Hypothesis na lang, assume ng assume sa mga bagay na iyong
pinapakita,
Tinulak sa iyong patibong para siya ay madapa at lalung ihulog ng tuluyan sa balon ng pagpapaasa.
Pilit
ginugulo ang isipan niya na parang sinulid na di mo alam ay binuhol buhol mo
na.
Gaano ba
kaluwag ang iyong oras para sayangin ang panahon upang pahulugin siya.
Ginawang libangan ang pagpapahulog ng loob
ng iba,
Para kang batang kulang sa pagsipsip ng dede at hele para gawin ito
sa kanila.
Pinagtagpo
kayong dalawa.
Pero
tama na ang umasa, sa taong nagbubulag-bulagan sa iyong halaga
Bumitaw ka na dahil hindi ka naman talaga niya kinapitan
Dahil tunay at lubos
talaga siyang walang kwenta.
Daig pa
ang sentimong wala ng halaga ang taong katulad niya na sana maisip mo na hindi
siya kawalan.
Magising ka naman.
Kung
sumasagi sa isip mong natalo ka sa inyong dalawa,
Dahil hindi ikaw ang
iniwan, nagkakamali ka
Dahil ikaw talaga ang tunay na kawalan.
Isipin mo na naglalaro nga siya
Pinaglalaruan ka, na parang ikaw ang hinahabol at siya ang taya.
Pero lagi mong tatandaan na pag siya'y nadapa
Babalik lahat n sakit sa kanya.
-Haponesang Hilaw
No comments:
Post a Comment