Di na muli
Sa pangalawang
pagkakataon na siya'y magparamdam
Maaaring
nangungulila din ang kanyang pakiramdam
Sa pangalawang
pagkakataong siya'y kamustahin ka
Maaaring wala ng
saya sa bawat salitang dati sayo'y nagbibigay kulay sa umaga
Sa pangalawang
pagkakataon na pangalan mo ay banggitin niya
Maaaring wala na ang
sabik sa tuwing maririnig kung paano niya sinambit
Na dati ay may
kilig, ngunit ngayon ay bumabahid na lang ang sakit.
Sa pangalawang
pagkakataon na yayayain mo akong makasama ka
Ay maaaring wala ng
pananabik,
Naglaho na sa aking
mata ang ning ning na ngayon ay nagmaliw
kasabay ng noon mong
pagbitiw Sa pangalawang pagkakataong bibigyan mo ako ng halik
Ay hindi ibig
sabihin na ito ay kay tamis, maaaring ako ay nadadala ng sandali,
sa mga ala-alang
hindi na maibabalik, katulad ng iyong halik,
na noon na yun pala
ay sadya lamang paglandi.
Maaaring ako'y
sumama muli,
muling makinig na
parang mga huni ng ibon na ako'y kaya mong dalhin
Na kayang liparin sa
kakahuyan kung saan halos di na ko makabalik.
Maaari nating
ibalik,
Ipagpatuloy ang
pinutol na ugnayang na ngayon ay para na lang mga labi.
Ngunit hindi na
muli, Hindi na muli..
Maaaring tayo ay
umulit pang muli
Dahil mulat na sa
aking pagkahimbing
Kaya hindi na muli..
Hindi na muli
Hindi na muli
maniniwalang mga majika ay lahat kayang gawin,
na kayang tuparin
ang anumang hiling
Hindi na muli, Hindi
na muli
Maniniwala na may
ginto sa dulo ng bahaghari
na maari kong
akyatin upang makahiling na ang mga bukas na dadating
ay magniningning sa
atin at di na kailanman magtatago pa sa dilim.
Di na maniniwala
muli, na lahat ng hilingin
ay kayang tuparin ng
bulalakaw sa langit
na aking inaabangan
gabi-gabi na napaniwala akong kayang tuparin
ang mga panalanging
kay tagal kung dumating.
Di na muli,
maniniwala na pagkatapos ng ulan at takipsilim ay may sasalubong ligaya satin.
Parang ito ay isang
basag na salamin,
kahit iyong buuin ay
di maitatago ang mga lamat satin.
Pilit mo mang buuin,
upang maniwala lang akong muli
na may majika at
bahaghari,
bulalakaw sa langit
at ligayang darating
Ligayang hindi
talaga dumating
dahil pighati ang
nagwagi..
Bawiin man ang pait,
hilumin man ang
sakit,
Lumipas man ang mga
peklat ngunit magmamarka parin sa atin. =
Ay di na magagawa
pang ibalik.
"Tiwala"
No comments:
Post a Comment