• Pagluha




    Kung naiiyak ka iiyak mo na
    Kung nabibigatan ka ibuhos mo na
    Hindi kahinaan ang pagpapakitang mahina ka
    Yan ay symbolo ng katapangan at kalakasan dahil tiniis at patuloy kang lumaban

    Tila parang malakas pa ata sa pagsabog ng dinamita
    Mga nararamdaman kong di na maipinta
    Aapaw na, ang nag uumapaw na mga katagang
    Di na kayang balutin pa
    Nauubusan na ng mga salita
    Di na makasulat, di mahanap ang tamang salitang tutugma
    Pero kailangan kong sumulat bago sumabog pa ang lahat

    Tila nagtatago sa likod ng maskarang binalot sa kolorete ang mukha
    Upang di mo makita ang tunay na mga katotohanan sa kanya
    Dahil sa takot marinig na mahina siya.
    Kinulob, ginapos, ang nais makawala.

    Kasing pula ng mansanas ang labi kong di kayang magbitaw ng salita
    Sang katerbang likido ang nilalagay sa aking mukha
    Hindi mo lang alam na sa makukulay kong tinta.
    Ay ang walang kulay, walang buhay kong pagpigil sa pagkubli
    Ng mga likidong anu mang oras ay babagsak na saking mga mata.

    Iiiyak ko na sa huling saglit kasabay ng natitirang liwanag ng lusis
    Ng ating natitirang sandali.
    Bago mapundi, hahayaan kong padaluyin, namnamin ang hapdi
    Upang maging manhid, dahil wala naman talagang magagawa kundi tiisin lang ang sakit.

    Tatahiin ko ang lahat ng punit na kung saan pinilit mong saktan ang puso kong tahimik
    kahit masaktan sa pagbaon ng karayom at sinulid
    Titiisin baka sakaling dugo ay di na umagos pang muli.
    Dahil mas masakit ang dulot mong pighating inulit mo ng inulit,
    Walang konsensya at walang kasing lagim.

    Malulumbay ako ng ilang araw at buwan
    Pero pangako kong hindi na ako muling magpapaiwan sa kawalan.
    Kung saan mo ako natagpuan doon mo din pala ako iiwan.

    Magbibilang ako ng segundo, oras at minuto
    Pero pagdating ng araw ay ipagmamalaki ko na ikaw ang tunay na natalo sa laban na ito.
    Dahil nakabangon ako sa gerang nilusob ko.

    Nakita mo man na ikaw ang kahinaan ko.
    Natawa sa pagkahumaling ko sayo, oo naadik ako sayo.
    Pero balang araw makikita mo ang sigla at ang ngiti ko
    Ang katapangan ko sa pagpaalam sa lahat ng alaalang ito.
    Iniwan mo man sa kawalan tiyak na ikaw naman ang tunay na nawalan.
    Paalam.

     -Haponesang Hilaw

  • You might also like

    No comments:

    Post a Comment

Powered by Blogger.