
-
Wag na, wag na tayong magkita kahit kailan pa..Tama na, Tumigil na tayo, tigil na.Mga paulit ulit na nauulit sa isip o tuwing maaalala ko,Ang isang araw na ako'y pinagtulakan moTinaboy, Papalabas ng pintuan ng buhay moMga salitang ni minsan hindi mawawala sa isipan koIsa sa pinakamasakit na salitang binitawan mo at narinig ko sa buong buhay koDahil kahit kailan di ko ginawang ipagtabuyan kaKahit ako yung paulit ulit mong pinaparusahan, iniiwasan, pinagtutulakan,Na kulang na lang parang ibong mababa ang lipad at ibugaw mo ako sa ibaMaalis mo lang sa landas mo, na una sa lahat ikaw naman mismo ang nagturo sa akin kung paano makarating patungo sayo.Pilit kong sinasara ang bumubukas kong palad noon,Wag ko lang masalo ang inaabot mong atensyonNgayon ay natapos na ata ang iyong misyon na paibigin akoNakuha ang mga bagay na iyong gustoNgayon ay bibitaw ka? Bibitaw na lang ba?Oo, naramdaman ko naman ang kapit ng iyong kamayAng higpit nga na parang ayaw mong pakawalan.Pero nayong ayaw mo na, bibitaw ka na lang na parang napaso kaat pag gusto namang balikan akala mo laruang hindi mo pinagsawaan.Hindi naman ako ang unang lumapit sayo,o ang humanap kung saang sulok ka pa sa mundong itoHindi ako, saksi pa ang mundo, at ang hanging umiihip sayo,Mga bituing nagniningning sa gabi habang naglalakad tayo tuwing sabay tayong uuwi,Saksi ang araw, hanggang takip silim, pati narin ang mga musikang naririnig patungkol sa atinNaalala ko ang unang araw na nagkakilala tayo, unang mensahe, unang pagbati mo.Unang pag aya mo, ang lahat ng yan na dapat hindi na sana magsisimula pa kung hindi nagsimula sayoNgayon naisip ko, ikaw ang nagbigay ng dahilan sa lahat ng sakit na meron akoInalis mo na nga talaga ang lahat ng bagay na maaring magpaalalaNilisan ang mga bakas ng tagpuanNilibing ang mga salitang binitiwanKaya mo palang basta na lang iwananAkala ko, ako ang mundo mo o ang kalawakan moPero ang totoo isa lang pala ako sa mga konstelasyon nito.Magsisilbing karagatang patuloy na babalot sayo sa mundo mo.Nakayapos, madagdagan pa ang mga kontinente mo.Patuloy paring dadaloy sayo.-Haponesang Hilaw
Sinimulan moHaponesang Hilaw June 17, 2019
Haponesang Hilaw
My pen name is "CrisSon" and I like to write short stories and poems. These are originally my work and I'm hoping to let people experienced different feelings and emotion all throughout. I hope all of you enjoy my work of art, because I dedicated my heart and mind in here.
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
Powered by Blogger.
No comments:
Post a Comment