• Ang maikli naming kwento




    Tayo ang may-akda ng sarili nating kwento
    Na unti unting sinusulat ng panahon
    Sa bawat kaganapan, desisyon at tatahaking destinasyon.
    Ay unti unting mong iniipon ang bawat pahinang nagiging
    kabanata ng buhay mo paglipas ng maraming taon.

    Naniniwala ako na ang bawat istorya ay dumudugtong sa
    taong nakakasalamuha mo.
    Dumudugtong ang bawat kabanata at sumusulat ng panibagong buod
    Dudugtong sa kwento ng bawat taong ipagtatagpo sa atin ng panahon.

    Katulad ng dalawang taong pinagtagpo
    Na may kanya kanyang kwento
    Hindi mo alam sa umpisa ang mga karakter nito
    na habang tumatagal ay unti unting nakikilala mo.
    Habang tumatakbo ang panahon
    Ay dahan dahang pagkumpas ng bawat pahinang
    sinasalaysay ang kanyang kanyang ninyong kwento.

    Katulad ko na pinagtagpo sa taong parehong may istoryang kumplikado
    Kung saan ang saya ng panimula nito
    na para bang walang suliraning haharapin hanggang dulo .

    Lumaban ako sa tunggalian ng ating kwento kahit alam kong napakagulo
    Katuparan o kasawian man ang sukdulang makakamtan ko
    Maging matagumpay lang ang kakalasan nito upang mahagkan lang ang masayang wakas at tagumpay ng ating kwento ay lumaban ako.
    Ngunit nagkasalubong tayo sa gitna ng ating kanya kanyang kwento.

    Tila nagsabong ang mga pangyayaring kumplikado
    Pinilit na lang bigyang koneksyon ang nilalaman nito.
    Aking napagtanto na kasawian pala ang aking matatamo,
    sa sukdulang paparating sa mga susunod na kwentong barberong isinusulat mo.

    Inayos ko at hinanap ang papalabas sa ating kwento para simulan muli ito
    Umaasang magiging masaya ang katapusan nito
    Ngunit wala ka na, wala na ang isang importanteng karakter o bida
    Hanggang sa lumala, di na alam kung paano tatapusin ang pa. Pipilasin ko na ba?

    Kaya aking sinimulan
    Hinahanap ko ang susi ng pinto kung saan mahahanap ko ang kakalasan
    Ngunit di na magawang iangat ang aking mga kamay
    Sadyang wala na pati ang sarili kong kalakasan
    Nanginginig na at hindi na kayang ipagpatuloy pa
    Ang mga sinimulang ginulo nating dalawa

    Kahit may nalalabi pang mga tinta , pawang pasmado na
    Kahit makaisip ng mga kataga ay di na kakayanin pa
    Mga salitang di na magtugma tugma, wala ng saysay kung magsasalaysay pa
    Dahil ang mga bida ay di na makarating sa bawat tagpuan nila.
    Di na magkakitaan. Wala na ang tagpuan nila.

    Kaya ito'y aming pinutol na, tinanggal ang mga pahinang pinag ugnay naming dalawa
    Ang dalawang librong pilit pinag isa.
    Unti unting tinahi ang mga napunit at nayupi yuping kabanata.
    Unti unting binalik ang masasayang panimula, inayos ang naging tunggalian
    Iniwasan ang magiging sukdulan hanggang makamit ang kakalasan
    Muling ibinalik ang dapat na masayang katapusan.
    Kaya ito ay amin nang winakasan.

    -Haponesang Hilaw

  • You might also like

    No comments:

    Post a Comment

Powered by Blogger.