
-
Tao ba ang dahilan o tadhana kung bakit ang isa't isa ay nagkakilala?Tuwing naririnig ko ang kantang Hindi tayo pwede ni The JuansGumugulo ang aking isipan kung ano ba talaga ang patutunguhanBakit nga ba? May taong dadating sayo ngunit dadaan lang pala.Naisip ko siguro kaya kita nakilala ay para malaman koNa dumarating pala talaga ang mga bagay na gustong gusto mong mapasayoYung taong akala mo ito na, siya naKahit sa maling oras mo pa natagpuan at sa maling panahon ay pakiramdam mo ito na.Kaya asang-asa ka pero may expiration date pala.Yung taong ipaparamdam sayo yung affection na hanap mo.Yung taong ipaparamdam sayo ang halaga mo.Yung taong lahat na, yung para bang walang imperfection.Pero sa isang pitik lang, maglalaho ang mga ito.May mga bagay pala talagang kahit nasa harap mo na,Kahit sentimetro na lang ang distansya ninyong dalawa,yung kalabit na lang ang pagitanyung kayakap at kahalikan mo na nga, may nangyari na't lahatpero hindi parin pwede talaga.Yung kahit itali mo pa, ikadena mo na,Hindi talaga pwede kahit ipilit mo pa.Yung mag-iiwan lang ng masayang alaala na maiisip mo na minsan,yung taong akala mo tinadhana sayo, bktima lang pala ni kupido.Sa bawat segundong pinagnilay nilayan ko naisip koSiguro lahat ng ito ay may dahilan kung bakit ang panahon ay nagiging mapaglaroNa lahat ng ito ay planado at itinakda sa inyo,Mapait man ang iniwang ala-ala nitoPero pinagtagpo kayo upang ang bawat isa ay mag iwan ng aral sa daang lalakbayin niyo.Maaaring isa kong inspirasyon sa buhay moMaaring isa rin naman akong kontrabida sayoNang ikaw ay mauntog at mapagnilayan mo ang mga mali sa buhay mo,Bigyan ng tyansang itama muli ang lahat ng baluktot na scenaryo.Oo siguro, upang ipaalam sa atin na hindi lahat ng bagay na ating gusto ay mapapasayo.Kaya dapat hindi ka manatili sa isang taoDahil may dadating na mas may hihigit pa dito.Imulat mo lang ang mga mata mo.Malay mo kulang lang sa dilat ang mga ito.Kaya wag kang makuntento sa pighating nararamdaman mo.Bumitaw at kumawala ka sa sa taong ikinulong mo ang sarili moNa pinaniwala mong tinadhana siya sayo.Kaya ako, isasantabi ko ang taong sakin ay pinagtagpo.Masakit man pero pinagtagpo lang tayoNang tadhanang nag abot ng regalong walang pangalang nakasulatKung para kanino kaya nalaman kong hindi ako para sayo.Pinag abot lang tayo ng mga regalong di natin alam kung para kanino.Planado man ang lahat ng ito, siguro hanapin na lang natin ang tamang tao.Sumabay tayo sa ikot ng mundo.Kaya ikaw na nakikinig sa tula kong ito.Wag mong ikulong ang sarili mo sa taong pinagtagpo lang pala kayo.
Pinagtagpo lang tayoHaponesang Hilaw July 03, 2019
Haponesang Hilaw
My pen name is "CrisSon" and I like to write short stories and poems. These are originally my work and I'm hoping to let people experienced different feelings and emotion all throughout. I hope all of you enjoy my work of art, because I dedicated my heart and mind in here.
Subscribe to:
Post Comments
(
Atom
)
Powered by Blogger.
No comments:
Post a Comment