• Marupok



    Oo bulag ako, bulag nga ako
    Tamisan mo ng konti ay kikiligin ako
    Lambingin lang ng konti pag sa isa't isa ay may tampo ay makikipagbati ako
    Kahit ikaw pa ang may kasalanan, kakalimutan ko
    Kasi nga ganito ako! Marupok lang talaga ko

    Kaya saglit.. Hinay hinay sa pag bitaw ng mga salitang matatamis, na baka ako ay kiligin,
    Di ko maiiwasan at baka hindi ko mapigil ang aking mga ngiti
    Saglit.. Dahan-dahan sa pagpapa kilig, baka di ko maiwasan ang puso kong kay bilis makiliti
    Saglit.. Nakakahiya man pero kasi ang bilis kong mahulog, kaya saglit
    Kung di mo rin naman pala ako kayang alayan ng pag-ibig
    Eh saglit, wag mo na sana pang ipilit.

    Noong ika-dalawampu ng Abril, alas dyis ng gabi kung saan sasalubong ang hating gabi,
    Ako'y iyong hinatid, naalala ko pa noon ang lakas ng kaba sa aking dibdib,
    Tibok ng puso kong walang patid
    Naglalakad tayong dalawa, at hindi ako mapakali
    Habang tayong dalawa ay nagtatawanan ay bigla mo na lang binanggit
    "Ingat ka hah sa mga sasakyang puti, nangunguha yan ng mga taong marupok sa pag-ibig"

    Tila binuhusan ako ng isang baldeng tubig na kay lamig
    Pinigil ang mga matang gustong magtangis
    Nilingon at tinitigan kita, ayokong magpadala sa maamo mong itsura
    Tinitigan parin kita, ngunit sinuklian mo lamang ako ng pagtawa kaya ako'y napangiti na lang

    Bigla ka na lang nagulat sa mga palad kong bigla na lang
    humampas sa mga braso mong kay lakas.
    Sabi mo pa "Ay grabe sya"
    Gustong pumatak ng aking mga luha sa aking mga mata
    Gustong tanungin ka..
    "Yung paibigin ako? Sinadya mo lang ba?"

    Kasi nasa tuktok na ako kung saan damang dama ko
    Kung kailan malinaw na ang lahat sa isip ko
    Kung saan nagsusumigaw na ako
    Na ito na ko, mahal na din kita gaya ng sabi mong mahal mo ko at ako'y iyong iyo.

    Marupok nga siguro ako, dahil ang bilis kong nagpabitag sa mga titig mo
    Hinayaang magpalunod sa mga yakap mo
    Hinayaang magpagapos sa mga haplos mo
    Hinayaang magpapana kay kupido at maging biktima nito

    Bakit kasi hinayaang kong salubungin ka nung ang mga mata natin
    ay nagkasalubong kaya siguro tayo napahinto.
    Sa daang kung saan tinatahak natin ay bigla tayong nagkatagpo
    Sadyang mapaglaro, tadhanang mapanglilo.

    Nanatili sa estadong hindi naman sigurado.
    Hanggang napagtantong naglalaro na lang pala tayo.
    Nahulog ako sayo, ngunit hindi mo naman sinalo.
    Nagpagapos nang di man lang sinigurado na kung nasa iyo ang mga susi ng kandado.
    Nagpadala sa karupukan ko.
    Sinubukan mo lang pala ako.

    -Haponesang Hilaw

  • You might also like

    No comments:

    Post a Comment

Powered by Blogger.