Naaanting
ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang mga tipak ng bawat nota
Sa bawat
hampas ng malalambot mong kamay na bumubuo ng isang kanta
Sa
nalumang piano ngunit hindi naluluma ang musika
Mga
binuong piyesang
nagpapaluha
sa aking mga mata, babalik ka pa ba?
Sa
tuwing naririnig ko ang bawat yapak ng iyong mga paa
Napapalingon
ako at umaasang malapit ka
Mga
tunog ng yapak mong sumasabay sa bawat pintig ng nota
Yun pala
ay malayo ka
Kaya
heto't, dahan dahang naglakad patungo sayo
Hinabol
ko ang mga paang napapasabay sa pagsipra ng piano
Habang
bumibilis ang tiyempo ay napapatakbo ako
Nagmamadaling
sundan ang mga tunog
Aabot pa
ba ko?
Dahang
dahang lumakas ang teklado
At
dahang dahan ding bumilis ang aking takbo
Bumilis
ang tibok ng aking pulso
Parang
dagundong na gawa ng vibrato
Sana ay
umabot ako, umabot ako
At
nahagip ko ang iyong kwelyo, napahinto tayo
Umawit
ako at sinabayan mo ko
Naaalala
mo pa nga ang awiting nating ito
Kahit
umalis na ang isang nag areglo ng piyesang ito
Hinayaan
nating sumabay sa hangin ang mga liriko
Hahayaan
nating umalingawngaw ang mga tinig
Kung
saan gumagawa ito ng vibrato
Nagpapayanig
ngunit nagbibigay buhay
sa bawat
espaso kung saan tayo naririto
Sana ay
di na matapos ang awiting ito
Patuloy
ang pagpitak ng lumang piano
Kasabay
ng pagkumpas ng mga tyempo
Ito ang
awiting patuloy na hinahatak tayo pabalik kung
saan
nagsimula hanggang sa nagwakas tayo
Ngunit
biglang bumagal ang ritmo,
Humina
ang pagtipak ng teklado
Nagmistulang
kulay abo ang paligid mo
At ikaw
ay huminto..
Ikaw ay
huminto, habang patuloy parin ako
Naglalaho
na din ang tunog ng piano dahil humina na ang pagtipak dito
Numipis
na rin na parang kuwedras ang mga tinig ko
Patuloy
paring umaawit kahit nauubusan na ng liriko,
Maaari
ko bang tapakan ang sustento di lang matapos ito?
-Haponesang
Hilaw
No comments:
Post a Comment